Naging kura paroko ng bayang ito sa loob ng 48 taon. Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Agosto 2, 1799. Nagtanggol sa karapatan ng mga paring Pilipino. Isinangkot sa pag-aalsa sa Kabite noong Enero 20, 1872 at ipinapatay noong Pebrero 17, 1872 na kasama nina Padre Jose Burgos at Jacinto Zamora. (tl)